Pages

Subscribe:

Sunday, March 13, 2022

Ang Klaytn at Neowiz ay inaasahang maglunsad ng $150k Airdrop event para sa P2E game nitong ‘Crypto Golf Impact’


- Para sa inaasahang opisyal na paglulunsad ng NEOWIZ na ‘Crypto Golf Impact’ sa Abril, magho-host ang NEOWIZ at KLAYTN ng isang airdrop campaign

- Ang $150K na halaga ng KLAY ay ipapamahagi sa random na 7,000 NEOPIN wallet holders

 sa ika-25 ng Marso, 2022
- Ang Crypto Golf Impact na pinapagana ng NEOPIN blockchain platform na binuo sa Klaytn mainnet, ay nakatanggap ng isang strategic investment mula sa Klaytn Foundation

 

Bilang bahagi ng pre-release na marketing para sa 'Crypto Golf Impact', isang P2E game na pinapagana ng NEOPIN platform (Built on the Klaytn mainnet), maglulunsad ang Klaytn at Neowiz ng malakihang airdrop campaign na may $150,000 na halaga ng KLAY para sa 7,000 NEOPIN wallet holders.

 

Ang airdrop campaign ay tatakbo mula ika-14 ng Marso hanggang ika-23 ng Marso, 2022, at maaaring lumahok ang mga kasalukuyang may hawak ng NEOPIN wallet kasama ng mga bagong nagparehistro sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga task na nakabalangkas sa event page na kinabibilangan ng pag follow sa opisyal na Twitter account ng Klaytn at Crypto Golf Impact, at mga social media channels.

 

Sa pagtatapos ng registration, ang kabuuang 7,000 random users ay pipiliin sa pamamagitan ng lucky draw upang makatanggap ng $20.00 USD na katumbas ng KLAY token na mai-airdrop sa kani-kanilang mga NEOPIN wallets.

Ang mga nanalo ay iaanunsyo sa ika-25 ng Marso, 2022.

Makikita sa ibaba ang link sa page ng event sa airdrop:

https://gleam.io/xvTT2/crypto-golf-impact-klay-airdrop-event



Ang Crypto Golf Impact ay isang mobile sports game na nakatakdang opisyal na ilabas sa Abril, ay isang revamp o pagbabago ng 'Golf Impact', (Napili bilang isa sa Top 25 best sports game para sa iOS ng Pocketgamers) na integrated ng Neopin blockchain technology .

 

Binibigay ng laro ang mga intuitive na kontrol at na-optimize para ma-enjoy ng mga manlalaro ang real-time na PVP (player-vs-player) na gameplay kasama ng iba pang mga manlalaro sa buong mundo. Pagkatapos ng paglulunsad ng 'Crypto Golf Impact' sa darating na Abril, plano ng Neowiz na ilunsad ang iba pang mga titulo ng P2E mula sa kanilang lineup na Klaytn-based NEOPIN platform sa loob ng 2nd quarter ng taong ito.

Ayon sa isang kinatawan mula sa Neowiz, "Kami ay proactive sa pagbuo ng mga larong blockchain at masigasig na panatilihin ang pangunahing "essence" sa isang laro habang nagbibigay ng natural na blockchain experience." Dagdag pa niya, "Kami ay nagtatrabaho kasama ng Klaytn Foundation at iba pang mga partners upang makamit ang pandaigdigang tagumpay sa merkado."

 

Ang strategic partnership sa pagitan ng dalawang organisasyon ay kinabibilangan ng koordinasyon sa iba't ibang larangan ng play-to-earn na mga proyekto mula sa development, teknikal at strategic na marketing support.

 

At panghuli, inaasahang magpapakita ang Neowiz ng tatlong P2E title na nasa Neopin Blockchain (Klaytn Mainnet) para sa taong 2022. Kasama sa mga titulo ang, 'Crypto Golf Impact', 'BRAVE NINE', at 'A.V.A'.

 source: 

https://www.facebook.com/cryptogolfimpact/posts/140679711789205

https://gleam.io/xvTT2/crypto-golf-impact-klay-airdrop-event?fbclid=IwAR3HHvKm1gy9-mSqtXLiMiQVxr6joiWwyAaRATImoutfXZl6WNCDxh7RJ_I

0 comments:

Post a Comment

you can follow me on my facebook account
http://www.facebook.com/people/Mashed-Tomato/100001346301763?ref=search

and my fan page
http://www.facebook.com/pages/MY-GAME-REVIEWS/144753932207614